Photos vs Reels 2026: Bakit Malaki ang Bigay Ni Meta sa Photo Kaysa Reels Ngayon?

Photos vs. Reels 2026 Bakit Mas Malakas ang Reach ng Static Posts Ngayon

Bakit Malaki ang Bigay Ni Meta sa Photo Kaysa Reels Ngayon? Tuklasin kung bakit bumabalik ang trend ng static images at paano ito makakatulong sa organic growth ng iyong Facebook page o Professional mode nang walang pagod sa pag-edit ng video.

Organic Reach Performance (2026 Data Points)

  • Enero: Ang Dominasyon ng Video
    • Photos/Carousels: 4.5% reach.
    • Reels: 8.0% reach.
    • Context: Malakas pa ang push ng Meta sa video content sa simula ng taon.
  • Marso: Ang Unti-unting Pagbabago
    • Photos/Carousels: 5.2% reach.
    • Reels: 7.1% reach.
    • Context: Nagsisimulang mapansin ang pagtaas ng “Saves” sa mga carousel posts.
  • Mayo: Ang “Cross-Over” Point
    • Photos/Carousels: 6.8% reach.
    • Reels: 6.0% reach.
    • Context: Dito naungusan ng static content ang video; opisyal nang mas malawak ang reach ng photos.
  • Hulyo: Peak ng Static Engagement
    • Photos/Carousels: 7.5% reach.
    • Reels: 5.2% reach.
    • Context: Naabot ang pinakamataas na reach para sa photos habang patuloy na bumababa ang engagement sa Reels dahil sa saturation.
  • Setyembre: Ang Bagong “Standard”
    • Photos/Carousels: 7.1% reach.
    • Reels: 5.0% reach.
    • Context: Naging stable ang performance ng photos, na nagpapatunay na hindi lang ito tsamba kundi isang permanenteng shift sa algorithm.

Ito Ang Dahilan Kung Bakit Malaki ang Bigay Ni Meta sa Photo Kaysa Reels Ngayon

Marami-raming creators at marketers ang nakakapansin niyan ngayon. Hindi naman sa “mas malaki” ang bigay ni Meta sa photo in a general sense, pero may shift sa reach mechanism at algorithm priority na pabor sa static images:

1. The Fatigue Factor of Rebound ng Static Content

Matapos ang ilang taon na puro Reels ang pinu-push ni Meta (para tapatan ang TikTok), nagkaroon ng “video fatigue.” Maraming users ang mas gustong mag-scroll ng pictures kaysa manood ng video na may sounds at sa sobrang saturatation sa AI Generated Content. Dahil dito, ibinalik ng Meta ang balanse para hindi mawala ang mga users na ayaw sa video-heavy feed.

2. Sharability at Save-ability (Download)

Ang mga photos, lalo na ang mga educational carousels o infographics, ay mas mataas ang “Save” at “Share” rate.

  • Reels: Madalas pinapanood lang (passive consumption) at karaniwan hindi tinatapos ang panonood.
  • Photos: Mas madaling i-save para balikan o i-share sa Stories (active engagement/informative).

3. Lack of Efficiency in Lower Barrier to Entry

Effortless ka talaga sa Photos. Pero sa Reels, kailangan mo ng 3:

  • Editing software/skills.
  • Trending audio.
  • Good lighting at transitions.
  • Energy at oras.

Sa Photo, isang magandang shot o mabilis na graphic design lang, pwedeng mag-viral kung relatable ang message. Ang ROI (Return on Investment) ng oras mo ay mas mataas sa photo kung pareho lang naman ang makukuha mong reach.

4. Direct Reach vs. Discovery Reach

  • Reels: Magaling sa pagkuha ng bagong followers (Discovery), pero madalas hindi ito pinapakita sa mga existing followers mo.
  • Photos: Mas consistent na pinapakita sa mga taong nag-follow na sa iyo. Kung ang goal mo ay i-nurture ang community mo, mas effective ang photos.

5. Facebook Algorithm Spot

Sa ngayon, pabor ang algorithm sa High-Quality Carousels. Kung mapapansin mo, kapag hindi ni-like ng user ang unang picture sa carousel, muling ipapakita ng Instagram/Facebook ang pangalawang picture sa susunod na pag-scroll niya. Binibigyan ka ng algorithm ng “second chance” na makuha ang atensyon nila, bagay na hindi nangyayari sa Reels, madali ka kalimutan.


Hindi naman ibig sabihin na “patay” na ang Reels, pero naging oversaturated na ito. Kung ang goal mo ay engagement at conversion na hindi nakaka-burnout, mas strategic talaga ngayon na ibuhos ang effort sa high-value photos at carousels or plain texts din.

About the Author

Muslimseo

We helps Muslim-owned and halal businesses grow online through strategic digital search and culturally aligned tech + marketing — increasing visibility, reach, and long-term cost impact & benefits.

You may also like these

Welcome to JiiSaaduddin.com DONE